Monday, September 26, 2011

sentro tayo

Posted by Picasa
nong biyernes (sept.23, 2011) kami ay gutom na gutom at naghahanap ng masarap na makakainan. ang unang plano ay sa sizzling plate sa SM foodcourt makati dahil doon kami malapit. pero naisip ko na may mas masarap pa dun! dali-dali kaming bumaba sa jeep at dumiretcho sa greenbelt. maraming mga pormal kung manamit at talagang get-up kung get-up ang attire nila. friday kasi, araw ng pag gala.

2nd floor, ayan na kami! at nakita na namin ang pangalan. dito sikat ang sinigang corned beef! hala, menu at ang inatupag at umorder ng solo order ng sinigang na corned beef, fried chicken fillet at 2 kanin. hayun, walang usapan muna at pagkain ang inintindi. 

at eto ang mga mukha ng tagumpay. tagumpay sa aming misyon, ang kumain ng malupit at walang kapalit sa sarap! :)

Tuesday, September 13, 2011

this tuesday

ngayon ang araw na nagdaan ng napaka haba. samot saring mga bagay ang lumipas. parang hinihigop nila ang lahat ng lakas ko at sa dulo, wala nang natira para sa akin. lahat naman ay ibninigay ko ngunit bakit sa huli, sa akin parin ang sisi. Ako parin ang may kasalanan. hay buhay nga naman, hindi mo alam kung anong ibibigay sa iyo. hindi ito parang isang exam na kailangan mag review ka para makapasa. pero pwede din nating ihalintulad sa isang practical examination, hindi mo na kakailanganin ng schema para makakuha ng mataas na marka. on the spot nga kung tawagin nila. hindi ko alam kugn sobrnag mahal ko lang sila kaya hindi nila ako maiintindihan o hindi lang talaga nila ako gusto.

mahirap ipilit sa isang tao ang ayaw. hindi magiging maganda ang kakalabasan nito, parang isang prutas. sa sobrang gusto mo na siyang kainin ibabalot mo sa dyaryo para maging hinog pero sa loob mapakla o maasim ang lasa. nakaka denggoy ang hitsura.

gusto ko lang magsulat kasi gusto kong ibulalas sa buong mundo kung ano ang nararamdaman ko sa paraang wala akong iniisip kung may masasaktan ba ako.

Friday, September 9, 2011

maligayang bati



ngayon ang ika-26 kong taon na nabubuhay sa mundo
bigla akong napahinto at nagtanong,
teka, sino na nga ba ako?
kilala ko na ba ang sarili ko?


ano nga ba ang gusto kong makamit dito?
habang nabubuhay ako, para kanino?


siguro'y isisigaw ko na lang sa lakas
 ng aking makakaya


sana'y may makarinig
sana'y may tumugon


tara sabay tayong magpalaot dito.