Tuesday, September 13, 2011

this tuesday

ngayon ang araw na nagdaan ng napaka haba. samot saring mga bagay ang lumipas. parang hinihigop nila ang lahat ng lakas ko at sa dulo, wala nang natira para sa akin. lahat naman ay ibninigay ko ngunit bakit sa huli, sa akin parin ang sisi. Ako parin ang may kasalanan. hay buhay nga naman, hindi mo alam kung anong ibibigay sa iyo. hindi ito parang isang exam na kailangan mag review ka para makapasa. pero pwede din nating ihalintulad sa isang practical examination, hindi mo na kakailanganin ng schema para makakuha ng mataas na marka. on the spot nga kung tawagin nila. hindi ko alam kugn sobrnag mahal ko lang sila kaya hindi nila ako maiintindihan o hindi lang talaga nila ako gusto.

mahirap ipilit sa isang tao ang ayaw. hindi magiging maganda ang kakalabasan nito, parang isang prutas. sa sobrang gusto mo na siyang kainin ibabalot mo sa dyaryo para maging hinog pero sa loob mapakla o maasim ang lasa. nakaka denggoy ang hitsura.

gusto ko lang magsulat kasi gusto kong ibulalas sa buong mundo kung ano ang nararamdaman ko sa paraang wala akong iniisip kung may masasaktan ba ako.

No comments:

Post a Comment