Thursday, October 20, 2011

101911

dumadaloy-
pag-ibig mo ang syang bumubuhay sa 
bawat hibla ng aking pagkatao.


magugunaw ang mundo 
at titigil sa pag-inog.


manlalamig ang haring araw 
at tatamaan ng hiya.


mahuhulog ang tala
at susundan ng buwan.


malalagas ang mga dahon
at pupulutinsa lupa.


uubanin ang kanina'y paslit
at ang narito'y wala na kinabukasan.


mawawalan ng saysay ang lahat-
pero hindi ang awit na itinitibok nitong puso.


sa kululuwa nakalilok.
sa kaibuturan nakatanim.


dumadaloy-
pag-ibig mo ang syang bumubuhay sa
bawat hibla ng aking pagkatao.

No comments:

Post a Comment