Wednesday, February 15, 2012

araw ng mga puso

"Ikaw"

Ikaw ang samyo ng banayad ng hanging pumupukaw
sa buong lalim ng kaluluwa.
Ikaw ang lunang tanglaw at gabay
sa tuwing ang haring araw ay nahihimlay.
Ikaw ang nangingiliting ambon sa tag-init.
na pumapawi ng aking lumbay.
Ikaw ang mapagkalingang kumot
sa mga panahong ubod lamig.

Ikaw ang bawat makahulugang
paghakbang.
Ikaw ang talatinigan nitong aking
buhay.
Ikaw ang bawat hibla
ng aking hininga.

Ikaw ang kanlungan,
ang simbahang uuwian
sa haba ng prusisyon.

Ikaw ang pag-ibig-
ang pumupukaw sa buong lalaim
ng kaluluwa.

(tula ni michael angelo r. aban)
*salamat mahal ko

Monday, February 13, 2012

2-14-12

natapos ang mahabang pananahimik, eto na muli ako.

sa totoo lang, ang dami kong gustong sabihin, as in SOBRA!
tama nga ang sabi nila na hindi lahat ng tao eh ma-plea-please mo.
sad thing kasi hindi nila alam ang totoong istorya.

yung iba, trip lang maki saw-saw, yung iba naki-ki-chismis lang,
at yung iba eh pilit kang sinisira at pilit kang tinatanggalan ng apoy para hindi ka magpatuloysa buhay.

hay, buhay nga talga, kailan jaya kita masasabyan sa mabilis mong pag-agos?

Thursday, February 9, 2012

"bakit ka pa makikipag laban kung sa dulo naman ay matatalo ka rin"