"Ikaw"
Ikaw ang samyo ng banayad ng hanging pumupukaw
sa buong lalim ng kaluluwa.
Ikaw ang lunang tanglaw at gabay
sa tuwing ang haring araw ay nahihimlay.
Ikaw ang nangingiliting ambon sa tag-init.
na pumapawi ng aking lumbay.
Ikaw ang mapagkalingang kumot
sa mga panahong ubod lamig.
Ikaw ang bawat makahulugang
paghakbang.
Ikaw ang talatinigan nitong aking
buhay.
Ikaw ang bawat hibla
ng aking hininga.
Ikaw ang kanlungan,
ang simbahang uuwian
sa haba ng prusisyon.
Ikaw ang pag-ibig-
ang pumupukaw sa buong lalaim
ng kaluluwa.
(tula ni michael angelo r. aban)
*salamat mahal ko
Sabi nga, the greatest love songs were made by composers who felt the most pain. Likewise, I should say, that the greatest poems were written by poets madly in love, say like Anne Bradstreet on her, To My Dear and Loving Husband. It's good to know, Miss Yhel that you belong to the roster of those addressees whose poets became an inspiration to write such endearing poem.(Eto iyong mga kwentong gustong-gusto ko, alam mo 'yan)
ReplyDeletenaniniwala ako na bawat isa sa atin ay may nakalaan. lahat nang nangyayari sa atin eh may kahulugan =)
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete